Bukas na sa publiko ang Canada-Philippines Business Fair and Exhibit ng Canadian Chamber of Commerce of the Philippines (CanCham) sa TriNoma Activity Center.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagpapasinaya sa business fair and exhibit kahapon.
Ayon sa QC LGU, bahagi ito ng selebrasyon para sa ika-75 taon ng matatag na ugnayan ng Pilipinas at Canada.
Kasama ring dumalo sa business fair ang local at Canadian brands.
May company booths din para sa mga gustong mag-aral, magnegosyo, magtrabaho, o gustong magtungo sa Canada.
Kasama ng alkalde sa ribbon cutting ceremony sina Embassy of Canada to the Philippines Senior Trade Commisisioner Guy Boileau, CanCham President at CEO Julian Payne, at iba pang local officials ng lungsod.
Sumuporta rin ang mga opisyal ng Philippine Chamber of Commerce and Industry-Quezon City sa naturang programa.| ulat ni Rey Ferrer