Buwis ng mga taxpayers, titiyaking magagamit sa pagpapaunlad ng bansa at di mapupunta sa korapsyon — DOF Sec. Recto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ngayong  pagsisimula ng tax season, tiniyak ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto sa mga taxpayers na gagastusin ng maayos ang perang pinaghirapan ng mga nagbabayad ng buwis.

Ito ang mensahe ng kalihim sa ginanap National Tax Kick-off ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon kay Recto, hindi mag-iiwan ng anumang puwang ang DOF para sa katiwalian sa loob ng BIR at sisiguruhing mapupunta sa pagpapaunlad ng bayan ang mga binabayad na buwis.

Ngayong taon, target ng gobyerno na makakolekta ng ₱4.3-trillion na kita, ang ₱3.05-trillion ay magmumula sa BIR, habang ang Bureau of Customs (BOC) ay inaasahang makakolekta ng umaabot sa ₱1-trilyon.

Paliwanag ng kalihim na ang kita na ito ay siyang magpapasigla sa ekonomiya tungo sa Bagong Pilipinas—isang “inclusive and sustainable” Philippines na may mababang antas ng kahirapan; mataas na  na pamumuhunan sa imprastraktura at human capital; mas de-kalidad na trabaho para sa ating mga tao; at pinabuting serbisyo publiko.

Kumpiyansa ang DOF chief na kayang maabot ng BIR ang kanilang target ngayong taon sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Romeo Lumagui, Jr.

Nanawagan din ito sa mga kawani at opisyal ng BIR na  pairalin ang integridad at pananagutan sa pagpapatupd ng kanilang tungkulin sa bansa.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us