Nagkaroon ng collaboration meeting ang Civil Aviation Authority of the Philippines at ang Hongkong Aviation Department para sa target ng bansa na magkaroon ng 48 aircraft per hour ang serbisyo ng Ninoy Aquinyo International Airport kahit na hindi ganoon kalakihan ang pasilidad ng nasabing paliparan.
Ayon kay CAAP Deputy Director General for Administration Atty. Danjun Lucas na layon ng kanilang collaboration meeting na mas mapabilis pa ang air transport sector sa bansa lalo na’t hahawakan na ng pribadong sektor ang NAIA sa mga susunod na mga taon.
Isa sa nakapulong ni Deputy Lucas ay si Hong Kong CAD Chief Air Traffic Control Officer Samuel Ng na nagbigay ng mga suhestiyon sa kakailanganin ng NAIA upang maabot ang naturang target.
Sa kasalukuyan, ang airplane movements sa NAIA ay aabot lamang ng 40 to 42 per kada oras kaya naman nais nilang mapataas pa ito.
Sa huli, muli namang siniguro ng CAAP na sa pakikipagpulong nila sa Hong Kong Civil Aviation Department ay maisasaayos ng NAIA ang target nitong mas mataas na air craft movement kada oras sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio