Nagbabala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa publiko ukol sa malaking multa at pagkakakulong para sa sinumang magtatangkang mag-trespassing sa mga paliparan nito, ito ay kasunod ng kamakailan lamang na insidente na naganap sa Caticlan Airport.
Kaya naman isang kaso na ang inihain ng CAAP sa Department of Justice (DOJ) para sa indibidwal na ilegal na pinutol ang perimeter fence at naglagay ng hazardous foreign object sa runway ng Godofredo P. Ramos Airport o Caticlan Airport.
Nahaharap ang akusado sa mga paglabag sang-ayon sa Republic Act No. 9497 na maaaring magresulta sa isa hanggang anim na taong pagkakakulong at may kaukulang multa na aabot sa ₱1 milyon.
Muli namang binigyang-diin ng CAAP na hindi ito magdadalawang isip na sampahan ng kasong kriminal ang sinumang lalabag sa batas at malalagay sa alanganin sa kaligtasan ng paliparan. | ulat ni EJ Lazaro