Rehiyon ng Visayas at Mindanao ang lugar na pupuntahan ng Campus Caravan ng Presidential Communications Office (PCO).
Ito ang sinabi sa Bagong Pilipinas ni PCO Assistant Secretary Wheng Hidalgo Otida sa harap ng tuloy-tuloy na pagtataguyod ng Presidential Communications Office ng
media information literacy workshops at iba pang mga aktibidad sa mga estudyante.
Ayon kay Asec. Otida, February 19 hanggang 22 ay gagawin ang Campus Caravan sa Leyte.
Maaari din ani Otida na mag-abang sa Facebook page ng PCO at doon ay malalaman ang eksaktong lugar at mga state universities kung saan gagawin ang Campus Caravan.
Bukod sa Media Information Literacy Workshops ay may mga exhibition booths, creative contests and competitions, panel discussions, internship information booth, at campus auditions para sa Konsyerto sa Palasyo ang ginagawa sa Campus Caravan.
Mayroon ding short film making contests, song writing contests, essay writing, mural painting, at spoken word poetry contests. | ulat ni Alvin Baltazar