Tinalakay ni Canadian Ambassador to the Philippines, David Hartman at iba pang opisyales ng Canadian Embassy ang Indo-Pacific Strategy nito sa harap ng ilang mga mambabatas.
Ayon kay House Committee on Foreign Affairs Chairperson at Pangasinan Rep. Maria Rachel Arenas, mahalaga ang ginawang briefing ng Canadian Embassy sa Kamara dahil kinikilala nito ang importanteng papel ng kapulungan sa patakarang panlabas ng Pilipinas.
Muli ring pinagtibay ni Arenas ang natatanging pagkakataon para sa Pilipinas at Canada na pagtibayin ang kanilang partnership bilang patunay ng kanilang strategic foresight at mutual commitment.
Sa panig naman ni Ambassador Hartman, binigyang diin nito ang lalong pagpapalakas ng comprehensive bilateral relations ng dalawang bansa at ang commitment ng Canada sa Pilipinas.
Kabilang dito ang mga sumusunod: 1) stronger foreign policy in defense, 2) mutually beneficial commercial opportunities; at 3) development assistance.
Tiniyak din ni Hartman ang pagiging bukas ng Canada sa pagbibigay ng oportunidad sa Filipino migrants at Overseas Filipino Workers.
Binanggit din nito ang pagluwag ng kanilang travel restrictions upang dumagsa ang Canadian tourists sa Pilipinas. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes