Gugulong na ang pagpapalawig ng Laguindingan Airport kasunod ng groundbreaking para sa expansion project nito.
Pinangunahan ito nina Cagayan de Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez,
Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, at mga lokal na opisyal ng CDO.
May kabuuang ₱32.3-million na pondo ang Laguindingan Airport Expansion Project, na layongg palawakin ang pre-departure floor area ng paliparan at maitaas sa 360 ang daily passenger capacity nito.
Inaasahang matatapos ang proyekto sa August 2024.
Kasabay nito ay nagkasa rin ng isang townhall meeting para sa implementasyon ng Mindanao Railway Project Phase na magdurugtong sa Laguindingan, Cagayan de Oro, at Villanueva.
Taong 2007 pa nang ihain ng mambabatas para sa kaniyang unang termino ang pagtatatag ng Mindanao Railways Corporation (MRC) na mamamahala sa railway system ng Mindanao.
Malaki naman ang pasasalamat ni Rodriguez kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbibigay prayoridad sa proyekto at sa paglalaan ng ₱100-million para sa Feasiblity Study Railway Project. | ulat ni Kathleen Jean Forbes