Nagpahayag na ang China ng kahandaang tumulong sa ginagawang imbestigasyon ng Pilipinas hinggil sa pinakahuling hacking attempts sa ilang website ng pamahalaan.
Pahayag ito ni DICT Secretary John Ivan Uy, kasunod ng napaulat na ilang China-based hackers ang nagtangkang pasukin ang website ng OWWA, at Google worksheet ng ilang government offices.
“They have reached out to ask if we can do some cooperation. Dahil it’s actually both ways. Cooperation has to come you know, as a mutual activity. So, they are willing to help, they have mentioned that if we can share with them, kung ano iyong nangyari, para mahanap daw nila kung saan at sino iyong gumawa noon.” – Sec Uy.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na humihingi na ng detalye ang China kung ano ang nangyari, upang makatulong sa paghahanap ng mga nasa likod nito.
“So, maraming mga ganitong organizations, mga mercenaries, cyber-hackers na nagtatago sa iba’t ibang mga bansa at ginagamit ang kanilang mga talento sa masasamang paraan. So, importante po ang coordination among different countries to work together and go after these groups.” -Secretary Uy.
Sabi ng kalihim, bukas ang pamahalaan sa pakikipagtulungan sa lahat, lalo’t importante aniya ang koordinasyon ng mga bansa upang mahabol ang mga nasa likod ng hacking, lalo’t maraming cyber criminal organizations ang nagtatago sa ibang bansa.
“In the Philippines, we are also arresting quite a few, if you would recall, noong nag-raid kami ng isang scam center sa may Pasay, where we arrested 600 individuals. Out of the 600, 200 of them were Chinese… Iyon rin gusto rin ng China na once we prosecute these people, eventually gusto nilang ma-deport rin to their country, so they can properly prosecute these people who are attacking their citizens and compromising also their cybersecurity.” – Secretary Uy. | ulat ni Racquel Bayan