Inalis na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang closed fishing season sa Visayan Sea.
Dahil dito, pinapayagan na ng BFAR ang Commercial fishers na ipagpatuloy ang kanilang operasyon sa loob ng conservation area sa Visayan Sea.
Maaari na silang makapanghuli ng isdang sardinas o sardines, herrings, at mackerels sa nasabing karagatan.
Una nang ipinatupad ng BFAR ang tatlong buwan na closed fishing season sa Visayan Sea mula Nobyembre 15, 2023 hanggang Pebrero 15, 2024.
Mahigpit na ipinagbawal sa mga mangingisda ang manghuli, magbenta o bumili ng ilang uri ng isda sa bahagi ng karagatan na kilala na mayamang marine biodiversity.
Sa mga panahong ito, hinahayaan ang mga isda na mangapangitlog at makapagparami.
Nabatid na ang Visayan Sea ay isang malaking kontribusyon sa industriya ng pangingisda sa Pilipinas.| ulat ni Rey Ferrer