Nagkasundo ang Commission on Elections (Comelec) at ang tatlong malalaking malls sa bansa para sa pagsasagawa ng ‘Register Anywhere’ sa pagsisimula ng voters’ registration.
Mismong si Comelec Chairperson George Erwin Garcia at mga kinatawan mula SM Supermalls, Megaworld Lifestyle Malls at Robinsons Malls ang kumatawan sa kasunduan para sa Register Anywhere Program.
Layunin nito na huwag pahirapan ang mga magpaparehistro na pumunta at pumila sa mga local election office para lamang magpatala bilang mga bagong botante.
Sa Lunes, Pebrero 12, magsisimula na muli ang pagpaparehistro para sa mga nais na maging botante sa 2025 midterm elections.
Target ng Comelec na makapagpatala ng dalawang milyong bagong botante. | ulat ni Michael Rogas