Siniguro ng Commission on Elections (COMELEC) na kakayanin nito na isabay ang plebisito sa charter change at 2025 midterm elections.
Ayon kay Comelec Chairpersn George Erwin Garcia, nakahanda ang komisyon na magsagawa ng sabay na plebisito at halalan kung aprubahan ng Senado at Kamara ang panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas.
Hindi rin daw sila hihingi ng malaking pondo, dahil ang dagdag bayad lamang sa mga guro na magsisilbing board of election inspector ang kanilang kakailanganin.
Sa usapin ng mga kagamitan, maaari naman daw isama ng Comelec sa balota at voters counting machines ang pagtatanong ng yes or no para sa cha-cha.
Wala din daw kakailanganin na mga dagdag papel para sa mga balota at election return, ballpen at maraming iba pa. | ulat ni Michael Rogas