Binigyang diin ni Senador Francis Tolentino na dapat ring tanungin at ikonsidera ang mga employer at mga pribadong kumpanya tungkol sa isinusulong na P100 legislated wage hike.
Ito ay matapos ihirit ng ilang mga kongresista sa Kamara na kulang ang isandaang pisong dagdag sa arawang kita at dapat itaas ito sa P150 to P350.
Ayon kay Tolentino, sa P100 pa nga lang ay marami nang nagrereklamo, paano pa kaya kung tataasan pa ito.
Gayunpaman, aminado ang senador na dapat pa ring pag-aralang kung ano ang makakatulong para sa working class.
Sinabi naman ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na baka naman ma-bankrupt na ang mga kumpanya kung mas mataas pa sa isandaang piso ang ipapatupad na across the board wage increase.
Pinahayag naman ng senador na maaari pang pag-usapan ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa Bicameral Conference Committee kung ano ang makakabuti kapwa para sa mga employer at sa mga manggagawa.| ulat ni Nimfa Asuncion