Inaasahang aakyat ng 5.5% ang consumer spending ng Pilipinas ngayong taon base sa pagtaya ng S&P Global Ratings.
Sa report ng S&P Global, ang 5.5% growth ay mas mababa pa rin kumpara nuong pre pandemic level na nasa 6%.
Sinabi ng debt watcher, unti-unting makakabawi ang consumer spending activity ngayon taon.
Hindi lamang ang Pilipinas ang nakaranas ng mababang household spending bagkus, maging ang ibang ekonomiya, bunsod ng pagtaas ng interest rates ng mga bangko sa buong mundo.
Sa taong 2023, bumagal sa 5.6 percent ang household consumption kumpara sa 8.3 percent noong 2022.
Ang private consumption ay nagkakahalga “three-fourth” ng ekonomiya na nagmumula sa mga restaurants at hotel spending.
Ayon kay Jonathan Koh, ekonomista ng Standard Chartered Bank, nanatiling “resilient” ng consumer spending ng bansa dahil base sa kanilang pag-aaral, ang mga Pilipino ay magkasabay na nangungutang at nag-iipon.| ulat ni Melany V. Reyes