Mismo si CSC Chairperson Karlo Nograles, ang panauhing pandangal at tagapagsalita ng buksan muli ng Civil Service Commission V, ang Computerized Examination o COMEX sa lungsod ng Legazpi.
Kasama si Regional Director Atty Daisy Punzalan Bragais, at hanay ng media. Una na ng nagkaroon ng Computerized Examination sa Regional Office dito noong 2014, subalit ito ay nahinto dahil sa COVID 19, at ilang technical issues.
Ayon kay Director Bragais, muli itong naisakatuparan sa tulong ni Chairman Nograles. Nabigyang tugon, ang mga technical issues. May tatlong network provider na ito. Ang COMEX ay karagdagan sa paper and pen test na dalawang beses ginagawa sa bansa bawat taon.
Sinabi ni Nograles, sa muling pagbubukas ng COMEX, mahigit sa 700 libong examinees ang kukuha ng test sa bansa bawat taon. Diin niya kapagka natupad ang expansion program ng komisyon aabot sa mahigit sa 800 libong mga examinees ang makakakuha ng test sa bansa bawat taon.
Sa expansion program, ang COMEX ay hindi lamang gagawin sa regional offices kundi hanggang sa mga field offices nito sa mga lalawigan sa bansa. Bagamat sinabi niyang mahirap parin pumasa sa Civil Service Exam. Katunayan ang national passing rate sa ngayon ay 16% lamang. Bagamat tumaas na ito mula 11 hanggang 12 %. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay