Muling pinaalalahanan ng Civil Service Commission (CSC) ang head of agencies na kilalanin ang mga umiiral na Muslim Holidays sa bansa kabilang na ang Lailatul Isra Wal Miraj na ginugunita ngayong araw, February 8.
Ang pagdaraos ng naturang holiday ay nakabatay na rin sa inilabas na memo ng National Commission on Muslim Filipinos.
Sa inisyu namang memorandum circular ng Civil Service Commission (CSC), nakasaad na hindi na kailagang mag-report sa trabaho o maaaring hindi pumasok ang lahat ng muslim government officials at employees ngayong araw at hindi sila mamarkahang absent.
Ito ay para bigyan sila ng pagkakataon na magunita ang naturang holiday.
Samantala, una nang nilinaw ng Bangsamoro government na isang special working holiday ang Isra Wal Mi’raj sa BARMM.
Isa ang paggunitang ng Isra Wal Miraj sa mahahalagang gabi para sa mga kapatid na Muslim kaya’t inilaan ang araw ng ika-8 ng Pebrero para magbigay daan dito. | ulat ni Merry Ann Bastasa