Gagamit na ng advanced space technology ang Department of Agriculture (DA) upang mapataas ang farm productivity at mapahusay ang project monitoring.
Lumagda sa isang kasunduan ang Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering, at Philippine Space Agency (PhilSA)para sa implementasyon ng Digital Agri Project Phase 1.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang pagtanggap sa technological advances ay napakahalaga sa pagtugon sa mga hamon na kinakaharap ng mga magsasaka at pagtiyak ng food security sa bansa.
Aniya ang digital agriculture ay mahalaga upang ma-unlock ang mga pagkakataon para sa mga magsasaka at mangingisda.
Ang mga impormasyon ay makakatulong sa policymakers na may real-time data at insights para sa strategic planning at decision-making.
Hinimok din ng Kalihim ang sama-samang pagsisikap na malampasan ang mga hamon na may kaugnayan sa limited access sa digital infrastructure at magastos na teknolohiya. | ulat ni Rey Ferrer