Nakatakdang mamahagi ang Department of Agriculture (DA) ng mga agricultural inputs sa mga sakahan sa Western Visayas, Ilocos, at Zamboanga na apektado na ng dry spell bunsod ng El Niño.
Ayon sa DA, kasama sa ipapaabot nitong tulong ang mga binhi at planting materials para sa high-value crops na mas tipid sa tubig.
Nagsimula na rin ang cloud seeding operations ng DA katuwang ang DOST-PAGASA, at DND-PAF sa ilang bahagi ng Cagayan Valley Region.
Tuloy-tuloy rin ang pagtutulak ng drought-resistant crops at pest-control efforts maging ang pag-adopt sa alternate wetting-and-drying method sa mga palayan.
Kinukonsidera na rin ng DA ang paggamit ng solar-powered irrigation systems at shallow tube wells.
Batay sa pinakahuling El Niño bulletin ng DA, umabot na sa higit ₱357.4-million ang halaga ng pinsala sa agri sector na dulot ng El Niño.
Katumbas ito ng higit 6,000 na ektarya ng lupaing sakahan na nasalanta at 7,668 na apektadong magsasaka.
Kabilang sa inaasahang tatamaan ang produksyon ng 11,480 metriko tonekads ng palay, 2,897 MT ng mais, at 225 MT ng high value crops. | ulat ni Merry Ann Bastasa