Ipinag-utos na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang malalimang imbestigasyon sa ulat na nagbebenta ng libo-libong tonelada ng bigas ang National Food Authority (NFA) sa ilang traders sa paluging presyo.
Bumuo na ng panel of investigators ang DA Chief para imbestigahan ang ilang NFA officials na sangkot sa bentahan ng bigas.
Sila di umano ang nagbigay ng pahintulot para ibenta ang mga giniling na bigas na nakaimbak sa mga warehouse ng NFA.
Bawat kilo ay ipinagbibili lamang sa P25 ng walang kaukulang bidding matapos bilhin ang butil ng palay sa halagang P23 kada kilo.
Sabi pa ni Tiu Laurel, welcome din ang sinumang ahensya ng gobyerno na gustong magsagawa ng kanilang sariling imbestigasyon para lang lumabas ang katotohanan. | ulat ni Rey Ferrer