Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na magiging matatag ang supply ng bigas sa unang anim na buwan ng 2024.
Ito ay ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, dahil sa mga inangkat na bigas at parating na anihan sa Marso at Abril.
Pero aminado ang kalihim, na maaaring manatili ang mataas na presyo ,hanggang Setyembre dahil sa epekto ng El Niño at tumataas na demand, na siya ring nagpapanatili ng mahal na presyo sa global market.
Noong nakaraang linggo, lumagda ang Pilipinas at Vietnam sa limang taong rice supply deal kung saan susuplayan ang bansa ng nasa 1.5 hanggang 2 milyon na metriko tonelada ng bigas kada taon.
Gayundin, ang India na nangako ng karagdagang supply.
Noong Disyembre at Enero, umabot sa 750,000 metriko tonelada ng bigas na inangkat ang dumating sa bansa. | ulat ni Diane Lear