Asahang magsisilbi nang template sa mga susunod pang mass transport system sa buong bansa ang Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP).
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa signing ng civil works contracts para sa proyekto ngayong araw (February 7), kasabay ng selebrasyon ng ika-125 Founding Anniversary ng Department of Transportation (DOTr) sa Davao City.
Ayon sa Pangulo, ang proyektong ito ay kabibilangan ng 400 articulated battery electric buses, higit 500 diesel buses, na scheduled na bi-biyahe sa higit 29 na interconnected routes sa lugar, na sa oras na maisakatuparan ay magsisilbing game changer sa transport system ng bansa.
“This is more than just the Ceremonial Signing for the Civil Works Contracts for the Davao Public Transport Modernization Project or the DPTMP. It is a strong reaffirmation of our commitment to develop the Davao Region. It is a demonstration of our resolve to deliver what people in all regions deserve: a mass transportation system that can move commuters and commerce efficiently.” —Pangulong Marcos.
Sabi ng Pangulo, patataasin nito ang accessibility at productivity ng commuters, at magbibigay option sa mga ito, na mas piliin ang pagsakay sa public transpo, kumpara sa kanilang pribadong sasakyan.
Mas mabilis at mas komportable rin aniya ang pagsakay dito, at makakatulong sa road decongestion sa siyudad.
Pagbibigay diin ni Pangulong Marcos, hindi ito makakaapekto sa bulsa ng publiko, maging sa ozone layer ng mundo, na inaasahang magiging fully operational pagsapit ng 2026.
“As a catalyst for lifestyle change, it shows by example that there are feasible alternatives to commuting by private vehicles, that these can be left behind at homes, without having to be late for work, for school or for whatever you need around and about the places that you live.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan