Biglaang pinauwi ang mga empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Central Office sa Visayas Ave., QC ngayong umaga.
Ito ay dahil sa natanggap na bomb threat sa naturang tanggapan.
Ayon sa ilang empleyado, kumalat via email ang banta.
Agad namang nagtungo ang mga awtoridad sa naturang tanggapan kabilang ang BFP at QCPD Bomb Squad na sinuyod ang lugar para magsagawa ng pagsisiyasat.
Kaugnay nito, may ilang bureau na ng DENR Central Office ang nag-anunsyo ng half day suspension sa trabaho dahil sa umano’y bomb threat. | ulat ni Merry Ann Bastasa