Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa publiko kaugnay sa kumakalat na mga post sa social media na pekeng scholarship grant ng ahensya.
Makikita sa naturang post na inaanyayahan ng DepEd ang mga mag-aaral na magpalista at magdala ng ID para makasali sa scholarship upang makakuha ng P5,000 na grant para sa elementary; P7,000 para sa highschool; P10,000 para sa college; at P10,000 para sa vocational.
Sa abiso ng DepEd, sinabi nitong ito ay peke at hindi totoo.
Nagpaalala naman ang DepEd sa publiko na maging mapanuri sa mga post online upang hindi mabiktima ng misinformation.
Para sa mga anunsyo at iba pang impormasyon maaaring bisitihan ang mga opisyal na social media account ng DepEd.
Nanawagan din ang DepEd sa publiko, na i-report sa kanila ang anumang mga maling impormasyon na kumakalat sa social media tungkol sa basic education. | ulat ni Diane Lear