Naglabas ng bagong kautusan ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa revised school calendar.
Batay sa Department Order No. 3 series of 2024, ang kasalukuyang academic year ay magtatapos sa May 31, 2024 imbes na sa June, habang ang school break ay magsisimula sa June 1 hanggang July 26, 2024.
Ayon kay DepEd Undersecretry Michael Poa, ang naturang hakbang ay bilang paghahanda sa pagbabalik sa dating school calendar.
Paliwanag ni Poa nasa pitong school days lang ang matatapyas sa kasalukuyang school calendar at dalawang buwan pa rin ang bakasyon ng mga mag-aaral dahil sa July 29, 2024 ang simula ng pasukan para sa School Year 2024-2025 at magtatapos sa May 16, 2025.
Dagdag pa ng opisyal na magiging dahan-dahan ang pagbabalik ng school break sa summer dahil batay sa konsultasyon at survey ito ang mas gusto ng nakararami.
Inaasahan naman na sa School Year 2026-2027 pa maibabalik sa dati ang school calendar.| ulat ni Diane Lear