Patuloy na tutugunan ng Department of Foreign Affairs ang pagbibgay ng proteksyon at kaligtasan sa ating mga OFWs saan mang panig ng mundo.
Ito ang sinabi ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Eduardo de Vega matapos na magkaroon ng repatriation process sa Gaza kung saan nasa 136 mula sa 137 ang pinoy na nailikas na.
Dagdag pa ni de Vega na bahagi ito ng whole of government approach ng pamahalaan upang mag tulong tulong sa palilikas ng ating mga kababayn kasama na ang OWWA at DMW.
Kaugnay nito na patuloy nilang imomonitor ang isa pang pilipinong madre na si Sister Elizabeth na naiwan sa gaza upang magsagawa ng charitable duties.
Makakaasa naman, ayon kay de Vega na patuloy nilang imomonitor ang kanyang sitwasyon at kaligtasan sa lugar. | ulat ni AJ Ignacio