Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mahirap nang mapeke ang pasaporte ng Pilipinas.
Ayon kay Passport Director Von Ryan Pangwi, maraming security feature ang Philippine passport gaya chip na nakalagay dito.
Anumang baguhin o isingit sa pasaporte ng Pilipinas gaya ng pagpapalit ng larawan o kaya ay pagpilas sa pahina ng pasaporte ay kayang-kaya aniyang matukoy.
Kaya payo nila sa mga nagbabalak na mameke ng pasaporte, huwag nang ituloy dahil malalaman at malalaman ito ng mga otoridad.
Mainam anila na dumaan sa tamang proseso upang hindi maabala at makasuhan. | ulat ni AJ Ignacio