Ipinag-utos ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang paglikha ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP).
Ito’y para sa pagsisikap na matiyak ang epektibo at mahusay na paghahatid ng tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng mga kalamidad.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, nakapaloob sa programa ang mga intervention at ang panuntunan sa pagpapatupad ng tatlong phase nito, ng emergency response, early recovery at rehabilitation and recovery.
Sa emergency response phase, ang pagsisikap sa pagitan ng iba’t ibang ahensya at organisasyon ay magpapatuloy, upang mabawasan ang mga epekto ng kalamidad.
Kasama rin dito ang pagbibigay ng one-time emergency shelter support (ESS) para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan.
Samantala, ang ikalawa at ikatlong phase ng IDSAP ay tututuon sa early recovery, at rehabilitation and recovery.
Ang mga pagsisikap sa Phase 2 ay nakadirekta sa pagtulong sa mga apektadong lugar na magkaroon ng normal na kondisyon at katatagan.
Ang huling phase, ay sumasaklaw sa restoration at improvement ng living conditions, post-disaster at pagbabawas ng risk factors, alinsunod sa “build back better principles”. | ulat ni Rey Ferrer