Nangako ang DICT sa mga mambabatas na sasamantalahin nila ang ikakasang Bagong Pilipinas Roadshow upang ipaaalam sa publiko ang contact center ng kagawaran.
DICT Government Digital Transformation Director June Vincent Gaudan hihilingan nila sa Bagong Pilipinas Roadshow na ipackage rin ang kanilang mga programa ang information dissemination ng mga programa ng DICT lalo na ang kanilang hotline numbers upang maging sumbungan ng mamayan sakaling mabiktima ng mga scams.
Sa pagdinig ng House Committee on North Luzon Growth Quadrangle, nanawagan si Abono Partylist Representative Robert Raymundo Estrella sa DICT na isapubliko ang mga hotline numbers nito upang madaling makontak ng publiko particular na ung mga biktima ng Cybercrime.
Ayon kay Estrella kahit na may hotline number ang DICT ay mismong ang mga LGUs ay hindi alam ang mga naturang numero.
Sa panig naman ng DICT, aminado si DICT Government Digital Transformation Director, aminado ito na maging sila sa DICT ay nakakatanggap hanggang sa ngayon ng mga text scams.
Nangako ito sa harao ng komite na muli nilang kakausapin ang NTC upang aksyunan ang mga text scams. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes