Tiniyak ng Land Registration Authority (LRA) ang tuloy-tuloy na pag-arangkada ng digitalisasyon sa ahensya.
Kasama ito sa ibinida ng LRA sa selebrasyon ng ika-121 anibersaryo nito ngayong buwan ng Pebrero.
Pinangunahan ni LRA Chief Gerardo Panga Sirios ang month-long celebration sa tanggapan ng LRA noong Pebrero 1 kung saan naging panauhing pandangal si DOJ Usec. Raul Vasquez.
Dito, ipinaalala ni Administrator Sirios ang mandato at responsibilidad ng mga opisyal at kawani ng LRA na maisaayos ang land titling system sa bansa.
“I invite everyone to look back at the achievements and the strides that have been made (especially by our colleagues) in the LRA. Kaya tayo nagkakaroon ng maraming accomplishments ay dahil sa paghihirap at kontribusyon ng mga kasamahan natin, not just in the present but also over the years as well.”
Suportado naman ng DOJ ang hakbang ng LRA para maisulong ang transparency sa ahensya sa pamamagitan ng digitalization efforts.
Ayon sa LRA, umaasa itong sa pamamagitan ng digitalisasyon ay mas mapapatatag pa ang paghahatid nito ng serbisyo publiko. | ulat ni Merry Ann Bastasa