Target ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na maging fully digitalized na sila pagdating ng 2026.
Ayon kay PhilHealth President and Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma, kabilang ito sa apat na usaping natalakay nila sa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang.
Paliwanag ni Ledesma, sisikapin nilang madaliin ang kanilang digitalization at katuwang nila rito ang Department of Information and Communications Technology (DICT).
Kaugnay nito, inilahad nila sa Pangulo ang kanilang mga hakbang sa pagkamit ng digitalization.
Ayon kay Jovita Aragon, Senior Vice President Chief Information Officer Information Management Sector ng PhilHealth, by phase ang gagawin nilang hakbang sa digitalization.
Sisimulan aniya nila sa March 2024 ang procurement ng mga kagamitan at pagkatapos nito ay mamimili sila ng developer.
Pagsapit ng buwan ng Hulyo at Agosto ay sisimulan nila ang phase implementation system hanggang 2025 bago mag-full blast sa 2026.
Nabatid na mahalaga ang digitalization para sa mas maayos na reporting at transaksyon ng State Health Insurer. | ulat ni Jaymark Dagala