Isinagawa ngayong umaga ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Clean-Up Drive sa Mandaluyong City sa ilalim ng Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program.
Pinangunahan ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr., Mandaluyong City Mayor Ben Abalos Sr. at Vice Mayor Menchie Abalos ang Clean-Up Drive sa kahabaan ng Maytunas Creek sa Barangay Addition Hills.
Kasama sa aktibidad ang mga kawani ng pamahalaang lungsod, mga miyembro ng pulisya, bombero at barangay.
Sa kanyang pahayag, hiningi ni Secretary Abalos ang pagtutulungan ng lahat ng sektor at bawat bahay sa barangay para sa paglilinis.
Bilang tugon, lumagda ang mga kalahok sa Pledge of commitment at nangangako na magiging aktibong kaagapay sa barangay sa pagpapanatili na malinis ang kapaligiran.
Ang Kalinisan o Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan program ay inilunsad ni Panggulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naghihikayat sa mga mamamayan na panatilihin ang isang malinis at ligtas na komunidad.| ulat ni Rey Ferrer