Magkatuwang ang Department of Migrant Workers (DMW) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) upang pagsamahin ang kanilang mga pagsisikap para sa cybersafety ng mga overseas filipino worker (OFW).
Ang joint signing ay dinaluhan ni Migrant Workers (DMW) OIC Hans Leo Cacdac at Undersecretary Alexander Ramos, Executive Director ng CICC.
Ang DMW at CICC ay magkatuwang na labanan ang paggamit ng mga ICT para sa criminal at unauthorized purposes; at upang pasiglahin ang interagency cooperation at resource sharing tungo sa prevention, suppression, at prosecution ng cybercrimes at mga paglabag sa data privacy.
Ayon kay DMW OIC Undersecretary Hans Leo Cacdac, ito’y upang mabigyan ng suporta ang mga migrant workers na madalas na nabibiktima ng scam at upang masugpo ang mga grupo na nanloloko ng mga OFWs.
Malugod naman itong tutukan CICC Executive Director USec. Alexander Ramos, ang kapakanan ng OFWs at maipakulong ang mga scammers.| ulat ni AJ Ignacio