Pinasalamatan ni OFW Party-list Representative Marissa Magsino ang Department of Migrant Workers (DMW), at ang legal team na tumulong sa pamilya Ranara na makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Jullebee Ranara.
Ayon kay Magsino, batid niya ang limitasyon ng batas ng Kuwait sa paghatol sa mga menor-de-edad kaya’t ang pinataw na 16-year prison sentence laban sa pumaslang sa kababayan nating OFW ay masasabing tagumpay na sa mata ng batas.
Nanawagan naman si Magsino sa pamahalaan, na patuloy tulungan ang pamilya Ranara hanggang sa civil action for damages.
Nananatili naman ang posisyon ni Magsino na dapat muna patibayin ng Pilipinas ang mga labor agreements bago alisin ang ban sa deployment ng mga first-time OFW sa Kuwait. | ulat ni Kathleen Forbes