DMW, nagsagawa ng closure operation sa isang di lesinsyadong recruitment agency sa Makati

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang hindi rehistradong illegal recruiter na nag-aalok ng trabaho sa Europe.

Personal itong ipinasara ni DMW Undersecretary Bernard Olalia kasama ang ilang law enforcement units na nasa isang building sa Barangay Salcedo Village, Makati City.

Ayon kay DMW Migrant Workers Protection Bureau Chief, Atty. Eric Dollete, nakuha nila ang impormasyon sa naturang illegal recruiter mula sa isang sumbong sa Migrant Workers Action Center sa Kampo Crame.

Ang naturang recruitment agency ay pag-aari ng isang Filipino na may pangalang Belmun Philippines Incorporated, na hindi nakarehistro sa DMW kung saan nasa anim na OFWs na ang napaalis ng naturang recruitment agency mula pa noong 2023.

Ayon naman kay Joy Salve na may ari ng naturang recruitment agency, na kanila nang ipaparehistro ang kanilang kumpanya upang maging legal na ang pagpapaalis sa OFWs. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us