Ikinalugod ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pakikipagtulungan sa mga pamantasan sa Pilipinas at foreign stakeholders upang sanayin at palakasin ang curriculum para sa mga healthcare worker sa bansa.
Ito ang inihayag ni Migrant Workers Undersecretary Patricia Caunan matapos na lagdaan ang kasunduan sa pagitan ng University of Baguio at Insight Global Health, USA.
Ayon kay Caunan, ang naturang kasunduan ay kumakatawan sa prinsipyo ng DMW upang maisulong ang kahusayan sa mga nurse sa bansa.
Layon ng kasunduan na turuan at sanayin ang mga nurse at para maihanda sa deployment sa ibang bansa partikular na sa Amerika.
Binigyang diin din ng DMW na mahalaga ang hakbang ito upang matiyak na may sapat na kakayahan at kaalaman ang mga heathcare worker natin para sila ay magtagumpay sa global healthcare market. | ulat ni Diane Lear
📷: DMW