Pinasalamatan ni House Committee on Overseas Affair at Kabayan Party-list Representative Ron Salo si Department of Migrants Workers (DMW) Officer in Charge Hans Leo Cacdac, sa agaran nitong pag aksyon upang protektahan ang mga Pinoy worker na nasa ilalim ng Seasonal Workers Program (SWP).
Ginawa ni Salo ang pahayag matapos mag-commit ni Cacdac na i-lift ang moratorium sa SWP kasunod ng pagpapatupad ng mga alintuntunin sa programa.
Tinalakay sa pagdinig ng komite ang nakaalarmang bilang ng SWP workers sa South Korea na biktima umano ng human rights violations, illegal recruitment, labor exploitation, medical neglect, at physical abuse bagay na ikinamatay ng anim na manggagawa.
Ang SWP ay deployment program sa pagitan ng LGU -to- Lgu ng South Korea at Pilipinas.
Nangako si Cacdac, na agaran silang maglalabas ng bagong guidelines upang matiyak ang proteksyon at kapakanan ng mga seasonal Filipino Worker.
Sa naturang pagdinig, nanawagan ang mambabatas sa DMW, Department of Foreign Affairs at Bureau of Immigration na bumuo ng onter-agency guidelines upang palakasin at mapangalagaan ang karapatan ng mga mangagawang pinoy. | ulat ni Melany Valdoz Reyes