Nakatakdang magsagawa ng business-to-business matching event ang Department of Energy (DOE) bukas, Pebrero 22.
Ayon kay Energy Sec. Raphael Lotilla, ito’y bilang bahagi ng kanilang hakbang para isulong ang paggamit ng renewable energy.
Sa ilalim nito, sinabi ni Lotilla na maaalalayan ng pamahalaan ang mga dayuhang mamumuhunan na makahanap ng mga local partner sa bansa para suportahan ang transition program sa sektor ng enerhiya
Maganda aniyang pagkakataon ito upang maipakita ang mga kakayahan ng bawat negosyante partikular na ng kanilang expertise at technologies o business strengths.
Binigyang diin pa ni Lotilla na nakapaloob naman ito sa kanilang Philippine Energy Plan 2023 – 2050 kung saan, target nila ang 35 porsyentong power generation share sa 2030 gamit ang renewable energy. | ulat ni Jaymark Dagala