Pinangunahan ni DOH Assistant Sec. Leonita Gorgolon at ng World Bank team ang pagsasagawa ng malawakang inspection sa mga proyekto ng World Bank – Philippines COVID-19 Emergency Response Project at iba pang health faculty Sa Eastern Visayas noong nakaraang linggo.
Unang nagpunta ang grupo sa Eastern Visayas Medical Center (EVMC) at tiningnan ang progreso sa ginagawang Subnational Reference Laboratory sa rehiyon. Ito ay kabilang sa itinatayong Philippine Health Laboratory System sa bansa na naglalayong mas mapagtibay ang laboratory network at matugunan ang emerging & infectious diseases at iba pang public health threats sa mga rehiyon.
Samasama ding nagsagawa ng site inspection ang grupo sa Negative Pressure Isolation Facilities ng EVMC, Leyte Provincial Hospital (LPH), at Gov. Benjamin T. Romualdez General Hospital and Schistosomiasis Center (GBTRGHSC).
Ito ay pagseguro sa functionality ng naturang mga pasilidad na kabilang sa World Bank – Philippines Covid-19 Emergency Response Project.
Kasama sa inspection ng grupo si DOH8 Regional Director Dr. Exuperia Sabalberino. | ulat ni Daisy Amor Belizar | RP1 Borongan
Photo: DOH-Eastern Visayas