Naghahanda na ang Department of Justice (DOJ) para iapela ang desisyon ng Navotas City Regional Trial Court kaugnay sa kaso ng pinatay na si Jemboy Baltazar.
Ayon kay Justice Assistant Secretary Mico Clavano, marami silang nakitang butas sa desisyon na hindi katanggap-tanggap.
Nagtataka ang DOJ kung bakit homicide lamang ang kinalabasan ng kaso imbes na murder.
Hindi rin nila matanggap kung bakit may napalaya na mga pulis at tinanggal lamang sa serbisyo gayung matibay naman ang ebidensya laban kay PSSG Gerry Maliban, na siyang bumaril sa biktima.
Dahil dito, agad daw silang makikipag-usap sa Office of Solicitor General para maghain ng apela sa mas mataas na korte. | ulat ni Michael Rogas