Hinikayat ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla sa inilabas nitong direktiba na maging aktibo ang mga prosecutor sa paghabol sa mga kaso ng tax evasion kasunod ng kamakailang pagsasampa ng kaso ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa dalawang korporasyon na naglalabas umano ng pekeng resibo.
Giit ni Remulla ang pangangailangan sa pagpursige sa mga nasabing kaso na diumano’y niloloko ang gobyerno. Dagdag pa ng Justice Secretary na dapat ang mga ito ay maharap sa buong pwersa ng batas.
Mula Marso ng nakaraang taon, ang Run After Fake Transactions program ng BIR ay nagkapag-file na ng mga kaso laban sa apat na ghost corporations na may estimated tax liabilities na aabot sa P25.5 billion.
Maliban pa ito sa bilyon-bilyong pisong pang tax liabilities mula sa samu’t saring mga accounting firms, certified public accountants, kabilang pa riyan ang aabot sa 69 ng mga respondents sa mga kasong isinampa na ng BIR.| ulat ni EJ Lazaro