Hindi kukunsintihin ng Department of Justice ang sinumang naninira ng kalikasan.
Ito ang binigyang diin ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla bilang pagtalima na rin at pagsuporta sa liderato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Remulla, determinado ang kaniyang tanggapan na aksyunan ang sinasabing cyanide fishing ng mga Chinese at Vietnamese fishermen sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).
Dagdag pa ng kalihim na susuportahan ng kaniyang ahensya ang tanggapan ng pamahalaan sa pagkuha ng mga ebidensya para makabuo ng matibay na kaso laban sa nasabing mapanirang pangingisda. | ulat ni Lorenz Tanjoco