Inamin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hanggang ngayon ay walang kahilingan ang Estados Unidos para sa extradition ni Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon sa kalihim, hindi sila maaaring gumawa ng anumang hakbang para i-surrender si Quiboloy sa gobyerno ng Amerika dahil wala namang pormal na request para dito.
Si Quiboloy ay nahaharap sa patong-patong na kaso sa Amerika kung saan napasama pa siya sa Wanted List ng Federal Bureau of Investigation.
Samantala, hindi pa rin maaaring ilagay sa lookout Bulletin ng Bureau of Immigration ang religious leader dahil wala din naman itong kinakaharap na kaso sa anumang korte sa bansa.
Hihintayin daw muna ng DOJ ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Senado at ang magiging rekomendasyon nito bago sila gumawa ng hakbang. | ulat ni Michael Rogas