Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) ang maaasahang serbisyo at tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa sandaling umarangkada na ang Metro Manila Subway.
Ito ang inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista makaraang selyuhan nila ng Manila Electric Company o MERALCO ang isang kasunduan para sa pagtatayo ng pasilidad sa Valenzuela Depot ng MMSP.
Sa ilalim ng nasabing kasunduan, magbibigay ang DOTr ng mahigit 1,700 metro kuwadradong lupain na pagtatayuan ng MERALCO ng kanilang switching station na siyang magbibigay ng sapat at maaasahang kuryente sa buong linya.
Dahil dito, ang MERALCO ang siyang mamamahala sa gastusin, pagtatayo, paglalagay, at pag-ooperate gayundin ang kontrol at pagmamantine ng nasabing pasilidad.
Magsisimula sa Valenzula ang Metro Manila Subway na daraan sa Quezon City, Pasig City, Makati City, NAIA, at Bicutan.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang konstruksyon ng subway gamit ang tunnel boring machine sa Ortigas at Shaw Boulevard stations nito.
Inaasahang makapagsisimula na ng partial operations ang Metro Manila Subway pagsapit ng 2028. | ulat ni Jaymark Dagala