Buo ang suporta ng pamahalaan sa mga nasa hanay ng pampublikong transportasyon na nais i-modernisa ito.
Iyan ang tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) kaalinsabay ng pagpapatuloy ng PUV modernization.
Nitong weekend, nagsagawa ng caravan ang 64 units ng mga modern jeepney sa General Santos City.
Paghahayag ito ng suporta sa programa ng 20 kooperatiba at dalawang korporasyon na sumali rito noon pang 2017.
Dumalo rito si Transportation Secretary Jaime Bautista bilang bahagi na rin ng ika-125 anibersaryo ng kagawaran. | ulat ni Jaymark Dagala