Nakipagpulong ang Department of Transportation (DOTr) sa Japan International Cooperation Agency (JICA) para mas mapabilis ang pagkumpleto sa mga transport project sa Pilipinas.
Sa naturang pulong, inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na umaasa siyang mababago ang timeline at mas mapapaaga ang pagtatapos ng mga proyekto partikular na ang Metro Manila Subway Project at North-South Commuter Railway.
Maisasakatuparan aniya ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat ng stakeholders.
Binigyang diin din ng transport chief na ang patuloy na pakikipag-usap sa gobyerno ng Japan ay makatutulong na maresolba ang mga issue kabilang na ang usapin ng right-of-way.
Sa tulong aniya ng mga modernong teknolohiya ng Japan mapabibilis ang pagpapaganda sa railway system ng bansa.
Samantala, as of January 2024, nasa 40% nang tapos ang Metro Manila Subway Project at inaasahan magiging operational sa 2029.| ulat ni Diane Lear