Panibagong batch ng mga social worker ang sumalang sa capacity-building training ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ng DSWD Academy.
Pinangunahan ni DSWD Undersecretary for Standards and Capacity Building Group Denise FB Bernos-Bragas, M.D. ang pagbubukas ng certificate course para sa 40 social welfare assistants na isinagawa sa UP-University Hotel in Diliman, Quezon City.
Sa kanyang mensahe, ipinunto nito ang kahalagahan ng pagsasanay sa social work paraprofessionals upang mas maging epektibo sila sa paghahatid ng serbisyo sa ibat ibang kliyente.
“A social welfare assistant supports social workers in the provision of essential services to vulnerable sectors such as children, the elderly, and individuals facing socio-economic challenges… You can change lives by providing aid many don’t even realize is available to them,”
Nakapaloob sa 5-day training program ang basic social welfare concepts para mapatatag ang competencies ng paraprofessionals, partikular ang mga social welfare assistants.
Ito na ang ikatlong batch ng mga social worker na sumalang sa training sa ilalim ng DSWD Academy mula nang mailunsad ito noong 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa