Ipinangako pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbibigay ng financial assistance sa mga pinakaapektadong pamilya na napinsala ng shearline at trough ng Low Pressure Area (LPA) sa Davao del Norte.
Batay sa pinakahuling update, nakipagpulong na ang DSWD Field Office 11 kay Mayor Tess Timbol ng Munisipyo ng Kapalong ng nasabing lalawigan kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Association of Barangay Captains para sa pagkakaloob pa ng tulong.
Sa ngayon, abot sa 4,367 mga residente ang naitalang pinaka-apektado ng kalamidad sa bayan ng Kapalong lamang.
Nauna nang nakapagbigay ng mga food and non-food items ang DSWD FO XI sa nasabing munisipyo na may kabuuang halagang Php2,339,364.00.
Aktibo rin sa pagtulong ang mga miyembro sa Municipal Action Team sa panahon ng paglikas at mga feeding program sa mga evacuation sites.| ulat ni Rey Ferrer