Lumagda sa Memorandum of Understanding (MOU) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kasama ang mga lokal na pamahalaan.
Ito ay upang porml na ilunsad ang Project LAWA at BINHI o Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished, sa pamamagitan ng cash-for-training at cash for work.
Layon ng proyekto na tulungan ang mga mahihirap na pamilya sa panahon ng tagtuyot.
Nakatuon ang programa sa epekto ng food insecurity at water scarcity dulot ng epekto ng El Niño.
Isinagawa ang MOU signing kahapon sa Doña Remedios Trinidad sa Bulacan.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang pinirmahang MOU ay sumisimbolo sa pagkakaisa sa pamamahagi ng social protection services sa tunay na mga nangangailangan nating kababayan, lalong lalo na sa mga katutubo, magsasaka, mangingisda, at iba pang sektor na posibleng maapektuhan ng panahon ng tagtuyot.
Ang Project Lawa at Binhi ay isasagawa sa 300 lungsod at munisipalidad sa 58 lalawigan sa bansa. | ulat ni Diane Lear