Tuloy-tuloy na ang ginagawang relief efforts ng Department of Social Welfare and Development sa mga pamilyang naapektuhan ng landslide sa Barangay Masara, sa Maco Town, Davao de Oro.
Ayon sa DSWD, nagsagawa na ng assessment ang Field Office -11 (Davao Region) nito sa mga apektadong pamilya.
Partikular na nag-administer na ito ng family access cards in emergencies and disasters (FACED) na magsisilbing family verification tool para sa response and rehabilitation support interventions mula sa pamahalaan.
Nagset-up na rin ang DSWD ng modular tents para maging temporary shelter ng mga apektado.
Sa kasalukuyan, aabot na sa 111 pamilya o katumbas ng 356 indibidwal ang nananatili sa tatlong evacuation centers sa Nuevo Iloco Elementary School, Nueva Visayas Elementary School, at Andili National High School. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD