Aabot na sa halos ₱27-million ang halaga ng humanitarian assistance na naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na naapektuhan ng mga pag-ulang dulot ng trough o extension ng Low Pressure Area (LPA).
Ayon sa DSWD, inilaan ang ayuda sa mga apektadong barangays sa Davao Region, Soccsksargen, at sa CARAGA.
As of February 4, umakyat pa sa 300,000 pamilya o higit isang milyong indibidwal ang naapektuhan ng mga pag-ulan.
Nadagdagan na rin sa 21,757 na pamilya o katumbas ng 82,810 na indibidwal ang pansamantalang nananatili ngayon sa 324 evacuation centers.
Una nang pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa Davao Oriental. | ulat ni Merry Ann Bastasa