Nagsimula nang mamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng cash aid sa mga pamilyang naapektuhan ng mga pag-ulang dulot ng shear line.
Pinangunahan ng mga tauhan ng DSWD XI-Davao Region ang distribusyon ng ayuda sa pamamagitan ng Emergency Cash Transfer (ECT), sa 500 pamilya mula sa Barangay Cabayangan sa Braulio E. Dujali, Davao Del Norte.
Nasa halos ₱5-million ang inilaang pondo rito ng DSWD kung saan nakatanggap ang bawat isang pamilya ng ₱9,960 cash assistance.
Magpapatuloy naman ang simultaneous payout ng ECT sa iba pang apektadong lugar sa lalawigan hanggang sa Biyernes, February 9.
Batay sa tala ng DSWD, umabot sa 262,000 pamilya o katumbas ng higit isang milyong indibidwal ang naapektuhan ng shear line sa apat na rehiyon sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa